SPMCO Launching

Pinasinayaan ni Mayor Lorelie Geronimo Pacquiao ang ribbon cutting at official launching ng Strategic Performance Management & Compliance Office (SPMCO), ngayong araw, Agosto 8, 2022, sa SPMCO 2/F GSCGEA Bldg., City Hall Compound, General Santos City.

Pinasinayaan ni Mayor Lorelie Geronimo Pacquiao ang ribbon cutting at official launching ng Strategic Performance Management & Compliance Office (SPMCO), ngayong araw, Agosto 8, 2022, sa SPMCO 2/F GSCGEA Bldg., City Hall Compound, General Santos City.

Layunin ng SPMCO na mapadali ang pagpapatupad ng estratehikong pamamahala sa pagganap, magsagawa ng mga aktibidad sa pag-benchmark sa mga Highly Urbanized Cities, SGLG Hall of Famer at OSM’s in selected city LGU’s, at marami pang iba.
Kabilang sa programa sina Vice Mayor Rosalita T. Nuñez, Mr. Gabriel Francis Glenville N. Gonzalez - SPMCO Head, at DILG City Director Rilimin H. Sandoval na nagsaad ng pangkalahatang ideya ng Seal of Good Local Governance (SGLG).

Muli namang nagpasalamat ang alkalde sa mga taong bumubuo ng Strategic Performance Management & Compliance Office (SPMCO). Sabi pa ni Mayor Lorelie Pacquiao siya ay natutuwa sa malugod na pagtanggap ni Mr . Gabriel Francis Glenville N. Gonzales sa hamon na pamunuan ang SPMCO upang mas mapabilis at makamit ang pinakamimithing SGLG Award ng Lungsod.

Ayon sa DILG, shortlisted na ang Lungsod ng Heneral Santos sa naturang award sa national level noong national calibration. Pupunta rin ang DILG-SGLG Region 3 sa lungsod para sa national validation, reinspection and reevaluation sa September 6, 2022.(CPIO/LGCD/MBDG/RSC)

Photos by: Charles John Wong

Leave a Reply

Your email address will not be published.